Mga sundalo, namahagi ng pagkain sa mga residente ng Pasig sa pamamagitan ng AFP Mobile Kitchen

Namigay ng pagkain ang mga sundalo sa mga residente ng Barangay Pinagbuhatan, Pasig City sa pamamagitan ng kanilang AFP mobile kitchen kahapon.

Ayon kay AFP Public Affairs Office Chief Captain Jonathan Zata, ika-pitong araw ng operasyon ng AFP mobile kitchen, nakapagsilbi ito ng dalawang libong “hot meals” sa mga mahihirap na residente nang nasabing Brgy. na lubhang apektado ng Enhanced Community Quarantine.

Ang proyekto ay bahagi ng “Kapwa Ko, Sagot Ko” campaign ng AFP Civil Relations Service.


Ang mga sundalong may culinary training, sa tulong ng mga volunteers ang naghahanda ng pagkain sa mobile kitchens ng AFP at ipinapamahagi ito sa mga designated drop Off points.

Tatagal pa hanggang bukas ang AFP mobile kitchen sa Brgy. Pinagbuhatan bago lumipat sa ibang barangay sa Parañaque City.

Sa mga nakalipas na araw, namahagi ng pagkain ang AFP Mobile Kitchen sa lungsod Quezon, San Juan, Malabon, Marikina, at Manila kung saan nakapagsilbi ito ng mahigit sa 1,500 “hot meals” kada araw.

Facebook Comments