Mga Sundalo ng 5ID, Naghatid ng mga Medical Supplies sa 12 Ospital sa Region 02!

35

Cauayan City, Isabela- Kasalukuyang ipinapaabot ng iba’t-ibang yunit ng 5th Infantry Division ang karto-kartong mga medical supplies bilang tulong at donasyon ng isang Foundation para sa ilang pribado at pampublikong ospital sa Lambak ng Cagayan.

Sa ibinahaging impormasyon ni SSgt. Liway Asuncion ng 502nd Infantry Brigade, 5ID, PA, dumating na kaninang umaga sa pamunuan ng naturang yunit ang mga medical supplies at foam mula sa Metro Manila.

Ang mga ito ay ipapamigay sa 12 hospitals na nasasakupan ng 502IB at ng 86th Infantry Battalion.

Inaasahan ngayong araw ay matatapos at maibibigay na sa mga ospital ang lahat ng mga tulong sa pamamagitan ng mga yunit ng kasundaluhan na sumasakop sa mga ito.

Facebook Comments