Police MSgt. Daniel Florendo, sinampahan na ng kasong Homicide kaugnay ng pagkapatay kay Retired Army Cpl.  Winston Ragos

117

Isinailalim sa inquest proceedings si Police Master Sargent Daniel Florendo na bumaril sa retiradong  sundalo na si Army Corporal Winston Ragos.

Ayon kay Quezon City Police District (QCPD) director Police Brigadier General Ronnie Montejo, kasong homicide ang kanilang isinampang kaso  sa Quezon City prosecutor’s Office laban kay Florendo.


Si Florendo ang bumaril kay Ragos matapos umano itong magtangkang bunutin ang kaniyang baril sa kaniyang sling bag.

Mahigpit ang tagubulin ni Montejo sa kaniyang mga tauhan na panatilihin ang maximum tolerance sa pagpapatupad ng Enhanced Community Quarantine(ECQ) directives.

Pero,sinabi ng QCPD director na judgement call pa rin ni Florendo ang kaniyang pagbaril kay Ragos.

Isinasailalim sa stress debriefing si Florendo at kaniyang mga kasamahan matapos ang  insidente.




Facebook Comments