Mga sundalo, papayagang mamili ng brand ng vaccine na ituturok sa kanila

Hahayaan ng pamunuan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang mga sundalo na mamili ng brand ng vaccine kontra COVID-19 na ituturok sa kanila.

Ito ang inihayag ni AFP Spokesperson Major General Edgard Arevalo.

Aniya, Sinovac vaccine ang libreng bakuna na ibibigay sa mga sundalo at gagawing mandatory ang pagbabakuna sa mga ito.


Pero sinabi ni Arevalo na kung gusto ng sundalong magpaturok ng ibang brand ng vaccine ay sila na ang gagastos para dito.

Samantala, inihayag naman ni Arevalo ang kanilang major rules para sa vaccination rollout.

Ito ay ang security support, medical support at logistic support.

Sinabi ni Arevalo na katuwang ng AFP sa security support ang Philippine National Police (PNP).

Habang tutulong din ang AFP kung kakailanganin ng mga medical frontliners sa aktwal na pagbabakuna.

Sa logistic support naman, tiniyak ni Arevalo na magagamit ang lahat ng sasakyan ng AFP para sa pagta-transport ng mga bakuna hanggang sa mga vaccination center.

Facebook Comments