Mga sundalo, pinaalalahanang maging tapat sa konstitusyon

Nagpaalala si Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff Gen. Jose Faustino sa mga miyembro ng militar na manatiling tapat sa konstitusyon.

Ginawa ni AFP chief ang kanyang mensahe sa pagdiriwang ng ika-31 Anibersaryo ng AFP Code of Conduct.

Binigyang diin ng AFP chief na responsibilidad ng bawat sundalo na itaguyod ang integridad at dangal sa pagganap ng kanilang mandato na pagsabihan ang bayan.


Ang mensahe ni Gen. Faustino ay binasa rin ng mga unit commanders sa buong bansa sa kani-kanilang mga tropa na sinundan ng renewal of Pledge of Allegiance sa AFP Code of Conduct ng mga opisyal at tauhan ng militar.

Ang Pledge of Allegiance ay nilahukan ng AFP Major Services, Unified Commands, at iba’t ibang mga unit at tanggapan ng AFP sa pamamagitan ng virtual conference.

Hinikayat naman ni Gen. Faustino ang mga sundalo na patuloy na tumulong sa pagpanatili ng isang “transparent” at “accountable” na AFP na ikararangal ng buong bansa.

Facebook Comments