Vaccination sa mga empleyado ng MIAA muling isinagawa sa NAIA Terminal 4

Muling nagsagawa ng vacation rollout ng COVID-19 vaccines ang pamunuan ng Manila International Airport Authority MIAA para sa mga empleyado nito na hindi pa nabakunahan nitong nakaraang vaccination sa NAIA Terminal 4.

Ayon sa Bureau of Quarantine (BOQ) umabot na sa kabuuang 8,642 na mga kawani ng One Stop Shop sa NAIA ang nakatanggap ng 1st dose kung saan 8,381 dito ay fully vaccinated na.

Sa ngayon ay higit 3,000 pa na mga kawani ng MIAA ang target nilang bakunahan kung saan higit 200 mga empleyado nito ang nakapagparehistro para tumanggap ng first dose ng Moderna vaccine.


Nagsimula ang bakunahan sa mga kawani ng MIAA kaninang alas-8 ng umaga sa NAIA Terminal 4 na tatagal naman hanggang alas-4:00 ng hapon.

Facebook Comments