Mga sundalo sa Western Mindanao pabor sa pahayag ni Sec. Lorenzana na hindi palawigin ang Martial Law

Iginagalang AFP Western Mindanao Command ang pahayag ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na hindi na nito irerekomenda ang muling pagpapalawig ng Martial Law sa Mindanao.

Ayon kay AFP WEstern Mindanao Command chief Lt. General Cirilito Sobejana, magsusumite aniya sila ng honest to goodness na assessment mula sa ground sa buwan ng December.

Bahala na aniya ang national leadership na magdesisyon kaugnay dito.


Sinabi ni Sobejana na kontrolado na ang sitwasyon sa Western Mindanao dahil sa naging suporta ng Local government units.

Bukod dito ay nakatulong rin aniya ang kanilang isinasagawang checkpoints at curfew sa Western Mindanao.

Ang idineklarang Martial law sa Mindanao ay matatapos na  December 2019.

Ito na ang pangatlong extension na isinagawa matapos ang unang deklarasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte matapos ang giyera sa Marawi City na ginawa ng Maute terror group.

Facebook Comments