Mga sundalo, tumulong sa pagta-transport ng mga vote counting machines kasama ang Board of Elections inspectors sa Aklan

Tumulong na rin ang Armed Forces of the Philippines sa pagta transport ng mga vote counting machine at mga Board of Election inspector sa malalayong lugar sa Aklan kahapon.

Ayon kay 3rd Infantry Division Spokesperson Capt. Kim Apitong, ginamit ng tropa ng sundalo sa pag-transport ng mga VCM at BEI sa Libacao, Aklan ang Armed Forces of the Philippines (AFP) Black Hawk helicopter.

Samantala, halos 5,000 sundalo kabilang na ang CAFGUs ang idineploy sa iba’t ibang polling precints sa Western at Central Visayas para matiyak na magiging ligtas at mapayapa ang national at local elections sa May 9.


Sinabi naman ni Maj. Gen. Benedict Arevalo Commander ng 3rd Infantry (Spearhead) Division na ang idineploy nilang sundalo ay tutulong sa Philippine National Police (PNP) para sa pagtiyak ng seguridad.

Aniya pa, gagawin nila ang lahat para magkaroon ng safe at peaceful election.

Facebook Comments