Pagbaliktad ni dating BuCor OIC Rafael Ragos, tinawag na pera-pera lang ni Pangulong Duterte

Naniniwala si Pangulong Rodrigo Duterte na nabayaran si dating Bureau of Corrections (BuCor) officer-in-charge Rafael Ragos, dahilan kung bakit nito binawi ang mga testimonya na nagdidiin kay Senator Leila de Lima sa kalakaran ng iligal na droga.

Sa isang panayam, sinabi ng pangulo na sinong indibidwal aniya ang susumpa sa korte na magsasabi ng totoo at makalipas ang ilang taon ay biglang babawiin ang kanyang mga naging pahayag.

Ayon sa pangulo, pera-pera lamang ang usaping ito.


Sakabilang banda, nananatiling positibo ang pangulo na susulong pa rin ang kaso laban sa senadora.

Samantala, dinipensahan din ng pangulo si dating Justice Secretary Vitaliano Aguirre na sinasabi ni Ragos na pinilit siya upang tumestigo laban sa senadora.

Sabi ng pangulo, hindi ito magagawa ng dating kalihim lalo’t kilala niya ito at dati niya itong kaklase.

Facebook Comments