Mga sundalong atleta, pinuri ng pamunuan ng AFP

39

Kinilala at pinuri ng Armed Forces of the Philippines ang lahat ng sundalong atleta na nakilahok sa Southeast Asian Games o SEA games na pormal na nagwakas kagabi sa isang engrandeng seremonya sa New Clark City sa Tarlac.

Ayon kay AFP Spokesperson Bgen. Edgard Arevalo na ipinaabot ni AFP Chief of Staff Gen. Noel Clement ang kanyang pagbati sa 127 sundalong atleta na nagbigay ng karangalan hindi lang sa AFP, kundi sa buong bansa sa kanilang mahusay na performance sa palaro.


Ayon kay Arevalo, 27 ginto, 13 silver at 8 bronze medals ang naiambag ng mga sundalong atleta sa Team Philippines na nagkamit ng pinakamaraming medalya at itinanghal na Overall Champion sa palaro.

Sinabi ni Arevalo, bilang pagkilala sa mga sundalong atleta, sila ay pagkakalooban ng ‘thanksgiving dinner’ sa December 19.

Nagpasalamat din si Arevalo sa buong sambayanan sa patuloy na pagsuporta sa AFP, na magdiriwang ng kanilang ika 84 na anibersaryo sa December 17.

Facebook Comments

From Advertisers