Matapos ang trahedya, nagkita-kita ang mga sundalong nakaligtas sa C-130 crash at kanilang mga rescuers na tinaguriang mga Tausog heroes.
Kamakalawa, binisita ng mga first responders ang mga sundalong survivors na patuloy na ginagamot sa Camp Navarro General Hospital at Zamboanga City Medical Center sa Zamboanga City.
Ang mga first responders na ito ay kinilalang sina CAFGU Active Auxillary o CAA Madzkur Sahibbon, CAA Sharief Abridge Abdua at CAA Benhar Awaluddin at ang army applicant na si Erham Awaluddin.
Sinabi ni 11th Infantry Division Commander MGen. William Gonzales na nais nilang mas lalong lumakas ang mga nagpapagaling na sundalo sa ospital kaya pinabisita ang mga taong nagligtas sa kanila.
Dagdag pa ng opisyal na ang reunion ng mga ito ay nagpapatunay ng maayos na pagkakaibigan ng mga Muslim at Kristiyano.