Sultan Kudarat, Philippines – Pinuri at pinasalamatan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga sundalong nakikipagbabakbakan sa Marawi City kasabay ang pangakong ayuda para naman sa pamilya ng mga nasawing sundalo.
Sa kanyang pagbisita sa Camp Leano sa Sultan Kudarat, nangako ang pangulo na magpapatayo siya ng isang foundation para sa edukasyon ng mga anak ng mga sundalo.
Aniya, mayroon na siyang panimulang pondong P20 billion para rito na target niyang paabutin hanggang 50-bilyong piso bago matapos ang kanyang termino.
Muli rin namang isinisi ni Duterte sa droga ang ugat ng terorismo sa Marawi na tinawag niyang “crime of rebellion”.
Samantala, muli ring iginiit ng Pangulo na hinding-hindi siya makikipag-usap sa mga terorista.
Hinikayat din nito mga miyembro ng New People’s Army na sumuko at kung kwalipikado ay tatanggapin niya bilang mga sundalo ng bansa.
DZXL558