Mga supplier ng droga sa Metro Manila at Mindanao, naaresto ng PNP sa Parañaque City; ₱54.4 milyong halaga ng shabu nakumpiska

Nahuli ng mga tauhan ng Philippine National Police Drug Enforcement Group (PNP-DEG) sa kanilang ikinasang buy-bust operation sa Parañaque City ang dalawang drug suspek na supplier ng droga sa Metro Manila at Mindanao.

Sa ulat ng PNP Public Information, ang mga naaresto ay kinilalang sina Marlon Bayan, 32-anyos, residente ng Brgy. Man-Ogob, San Vicente, Camarines Norte; at Guimalodin Ebrahim, 27-anyos, residente ng Talitay, Maguindanao.

Sila ay naaresto ng mga pulis kamakalawa ng gabi malapit sa SM City Bicutan sa Parañaque City kung saan nakuha ang walong kilo na high grade shabu na may street value na ₱54.4-million.


Ayon naman kay PNP Chief General Debold Sinas, naging matagumpay ang drug operation dahil sa ipinatupad ng PNP-DEG ang kanilang Case Operation Plan (COPLAN) blood stone na target ay ang mga malalaking grupo ng drug traffickers.

Facebook Comments