Mga supporters ni Senator De Lima, kinalampag ang QC hall of Justice para hilingin na palayain ang senadora

Manila, Philippines – Kinalampag ng mga supporters ni Senador Leila De lima ang harapan ng QC Hall of Justice upang hilingin sa korte na palayain na ang naturang senador.

Kasalukuyang dinidinig sa Metropolitan Trial Court Branch 34 sala ni Hon. Judge Maria Ludmila De Pio Lim ang kasong isinampa ni 2nd District Oriental Mindoro Cong. Reynaldo Umali na Disobedience to summons laban kay Senador De lima.

Matatandaan na ibinasura ng korte ang kahilingan ni Senador De lima na sa Sandiganbayan dapat na diringgin ang kanyang kaso dahil wala naman umanong hurisdiksyon ang mababang korte para diringgin ang kanyang kaso.


Nagpapatuloy pa rin ang pagdinig sa kaso ni Senator De lima sa kasong paglabag sa Article 150 ng Revised Penal Code kung saan dumating si Cong Umali sa sala ni Honorable Judge Lim ng Branch 34 ng MTC at wala si House Speaker Pantaleon Alvarez sa naturang pagdinig.

Malaki ang paniwala ni Cong. Umali na kakatigan ng korte ang kanilang reklamo dahil mayroon umano silang sapat na mga ebidensiya upang idiin si Senador De lima sa kanyang kinakaharap na kaso.
DZXL558

Facebook Comments