Mga survey, hindi hawak ang resulta ng halalan ayon kina Lacson-Sotto tandem

Naniniwala ang tambalan nina Partido Reporma presidential bet Sen. Panfilo ‘Ping’ Lacson at vice-presidential aspirant Vicente ‘Tito’ Sotto III na hindi pa rin hawak ng mga survey ang resulta ng eleksyon dahil gabay lamang ito ng mga botante na may sariling desisyon sa gusto nilang maging susunod na lider.

Ang pahayag ay ginawa ng Lacson-Sotto tandem kasunod ng paglabas ng resulta ng isang survey para sa national elections ngayong 2022, kasabay ng pagsisimula ng opisyal na kampanya.

Paliwanag ni Lacson na sa kabila ng mababang rating sa survey niya ay hindi siya nag-aalala dahil tagumpay nang maituturing ang maibahagi niya ang kaniyang mga adbokasiya sa national political stage.


Pinuri naman nina Lacson at Sotto ang kanilang mga senatorial candidate na anila’y “complete package” at matagal na umanong kailangan ng ating bansa para magkaroon ng pagbabago sa hanay ng mga senador.

Facebook Comments