Mga balikbayan, exempted sa return ticket requirement ng Bureau of Immigration

Nilinaw ng Bureau of Immigration (BI) na exempted ang mga Pilipinong balikbayan at kanilang asawa at mga anak sa pagprisinta ng outbound ticket sa kanilang pagpasok sa bansa.

Kasabay nito ang pagkakaroon nila ng one-year visa-free privilege.

Ang mga Balikbayan na sakop ng naturang privelege ay ang mula lamang sa 157 na mga bansa na nasa ilalim ng Executive Order No. 408.


Ang mga Pinoy naman na uuwi ng Pilipinas at hindi magmumula sa naturang mga bansa ay kailangan kumuha muna ng visa.

Facebook Comments