Mga survey na lumalabas, hindi mahalaga para kay Pangulong Duterte

Manila, Philippines – Walang pakialam si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga lumalabas na survey pabor man ito o hindi sa kanya.

Ito ang reaksyon ni Pangulong Duterte sa harap narin ng magkalayong resulta ng survey ng Social Weather Station at Pulse Asia kung saan lumabas na bumagsak ang ratings ng Pangulo sa SWS at mataas naman sa Pulse Asia.

Ayon kay Pangulong Duterte, tapos na siya sa mga statistics at ang tanging ikinokonsidera niya ay ang 16 na milyong boto na nakuha niya noong nakaraang presidential elections.


Kaya naman sinabi ng pangulo na kung hindi nagustuhan ng publiko ang kanyang mga ginagawa ay pasensya nalang at kung hindi aniya kayang lunukin ng iba ang kanyang mga sinasabi ay hindi na niya problema ito.

Facebook Comments