Army at NPA nagkabakbakan sa bayan ng Makilala North Cotabato

Nagkabakbakan kaninang umaga sa pagitan ng tropa ng 39IB at grupo ng Guerilla Front 52 ng New Peoples Army sa barangay Batasan sa bayan ng Makilala sa lalawigan ng North Cotabato.
Sinabi Lt. Col Silver Belvis ,tagapagsalita ng 39IB ng Phil-Army nangyari ang bakbakan sa boundary ng barangay Batasan at Biangan sa nabanggit na bayan.
Nangyari ang bakbakan matapos ipagbigay alam ng mga residente ang presensiya ng NPA sa lugar. Hindi pa nabatid sa oras na ito kung may casualty sa magkabilang panig.(Amer Sinsuat)

Facebook Comments