Pinayuhan ng Department of Health (DOH) ang COVID-19 survivors na agad na mag-report sa mga local health authorities kapag nakakaramdam muli ng sintomas ng impeksyon.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, nagsasagawa sila ng ‘passive monitoring’ sa mga survivor para makalikom ng ebidensya hinggil sa mga ulat patungkol sa “long COVID.”
Paliwanag ni Vergeire, ang pamamalagi ng coronavirus infection ay isang kondisyon kung saan mayroong mahinang epekto ng impeksyon sa mga survivors matapos nilang gumaling.
Batay sa mga ulat, may mga pasyente na nakakaranas ng sintomas ng impeksyon ilang linggo matapos silang gumaling sa sakit.
Karaniwang sintomas ay masakit ang ulo, hirap sa pagtulog, pananakit ng dibdib, pagkawala ng panlasa, pang-amoy, at mabilis mapagod.
Kasabay nito, pinayuhan ni Vergeire ang publiko na nagnegatibo sa antigen test para sa COVID na sumailalim naman sa RT-PCR bilang confimatory.