Nadakip na ng mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) ang mga nasa likod sa pagkamatay ng isang college freshman sa Davao City dahil umano sa hazing.
Kinilala ni PNP Chief Police Gen. Rodolfo Azurin Jr., ang walong suspek na sina Jeremiah Moya, Pangulo ng Akrho, Alpha Delta Chapter; Leji Quibuyen, John Lloyd Sunagang, Harold Flauta, John Steven Silvosa, Ramel Gamo, Gilbert Asoy Jr., at Roseller Gaentano.
Samantala, patuloy pang pinaghahanap ng pulisya ang anim na iba pang suspek na sina Ryan James Ranolo, Harold Gocotano, John Bacacao, Cherie Norico, Kadjo Matobato, at George Regalado.
Nabatid na ang biktimang si August Ceazar Saplot ay natagpuang walang buhay at puno ng pasa at bugbog sa iba’t ibang bahagi ng katawan, sa Purok Santo Niño, Sison Village, Upper Mandug, Buhangin, District, Davao City.
Patuloy namang ginagamot sa ospital ang kasama ni Saplot na naka-survive sa hazing na si Michael Angelo Ligaya, 18 taong gulang.