Presyo ng puting asukal sa ilang pamilihan sa Metro Manila, muling tumaas!

121

Muling tumaas ang presyo ng puting asukal sa ilang pamilihan sa Metro Manila.

Batay sa monitoring ng Department of Agriculture, bumalik sa P98 hanggang P106 ang kada kilo ng primera sa Marikina Public Market, habang naglalaro sa P98 hanggang P105 naman ang presyo nito sa mega Q-Mart sa Quezon City.

Ayon sa Sugar Board, nasa P38 hanggang P46 ang kada kilo ng millgate price ng raw sugar noong nakaraang panahon ng gilingan sa crop year 2021 hanggang 2022.


Pero sa kabila nito, pumalo pa rin sa P60 ang kada kilo ng millgate price ng raw sugar sa crop year 2022 hanggang 2023.

Paliwanag ng Sugar Board Millers, ang pagtaas ng presyo ay bunsod ng mataas na production cost, at pagtaas ng presyo ng krudo.

Matatandaang nauna nang tiniyak ng Sugar Regulatory Administration (SRA) na sa Nobyembre pa magsisimulang bumaba ang presyo ng asukal dahil kung saan magiging fully operational na ang mas malalaking mills sa Negros.



Facebook Comments