Patuloy ang panawagan ng Philippine National Police (PNP) sa publiko na manatili sa bahay kaugnay sa ipinatutupad na Enhanced Community Quarantine.
Ayon kay PNP Chief Police General Archie Francisco Gamboa, para maiwasan pang kumalat ang 2019 Coronavirus disease (COVID-19) dapat na manatili sa bahay kung kinakailangan.
Binigyang diin ni Gamboa, may 2 batas na maaari nilang gamiting batayan para arestuhin ang mga pasaway na hindi susunod sa Enhanced Community Quarantine.
Kabilang na rito ang Disobedience of Persons in Authority sa ilalim ng Revised Penal Code maging ang paglabag sa Republic Act 11332 o Non-Cooperation
Babala pa ni Gamboa, sumunod na lamang at huwag nang magpumilit na suwayin ang gobyerno para maiwasan na maaresto.
Facebook Comments