Balak ng lokal na pamahalaan ng Mangatarem na gawing upuan ang mga tablang ibinalik ng DPWH RO1 at ipamahagi sa mga malapit na mga elementaryang paaralan sa mga bara-barangay kung saan ito pinutol.
Ang mga gagawing upuan ay makatutulong sa ikabubuti ng academic performance, behavior, at engangement ng mga estudyante.
Kabilang sa mga Barangay na mapapamahagian nito ay Barangay Bogtong Centro, Bogtong Niog, Talogtog, Casilagan, at Bogtong Bolo.
Isang daan at walong (108) pinutol na puno ang itinurn-over ng Department of Public Works and Highways (DPWH) Regional Office I at Environment and Natural Resources Office (ENRO) sa munisipalidad.
Ang nasabing mga tabla ay kasalukuyang naka-imbak sa Barangay Bogtong Niog, Mangatarem, para sa layunin ng pag-iingat. |ifmnews
Facebook Comments