Isang misyon ngayon ang sinimulan ng mga taga Barangay East Rembo, ang urban farming movement.
Nagtatanim ang mga residente ng barangay ng iba’t ibang uri ng gulay katulad ng pechay, sili, kangkong, talong, papaya, pandan, okra, ampalaya, sili, mustasa at maging mga herbal plants tulad ng malunggay, tawa-tawa, sambong at ashitava.
Nakapwesto ang urban farm ng barangay sa may likod lamang ng East Rembo Elementary School.
Bahagi ang urban farming ng kanilang proyekto Clean and Green and Kalikasan.
Ayon kay Kagawad Noel Laude na Head ng programa, sinusubukan na nilang magtanim at magparami ng gulay dahil mainam na sa kanilang barangay ay may sarili na silang mapagkukunan ng pagkain.
Bukod dito, pag may bagyo at kalamidad ay tumataas ang presyo ng gulay at mahal ang ibinabayad sa pagbyahe pa lamang ng mga gulay mula probinsya papuntang Maynila.
Bukod dito natuturuan pa nila ang kanilang mga constituents lalo na ang mga estudyante sa kahalagahan ng gulay para sa kalusugan ng isang tao.