Mga taga-Caloocan, pinag-iingat din sa sakit na dengue

Pinaalalahanan ni Caloocan Mayor Oca Malapitan ang mga residente na mag-ingat din sa sakit na dengue lalo na ngayong panahon ng tag-ulan.

Panawagan ni Mayor Malapitan sa mamamayan ng lungsod, gawin ang mga simpleng hakbang upang maiwasan ang dengue.

Halimbawa nito ang pagpapanatili ng kalinisan at hindi pag-iimbak ng tubig na maaaring itlugan ng lamok na carrier ng dengue.


Hinihikayat din ni Mayor Oca ang mga magulang na kaagad komunsulta sa doktor kapag ang kanilang mga anak ay may sintomas ng dengue.

Kinabibilangan ito ng mataas na lagnat, pananakit ng ulo, tiyan, kalamnan, kasu-kasuan at likod ng mata, panghihina, pagkakaroon ng rashes, pagdurugo ng ilong, pagsusuka at pagdurumi.

Binigyang-diin ni Mayor Malapitan na sa panahon ng pandemya na dulot ng COVID-19, ay dapat mag-ingat at isaalang-alang din ng lahat ang kaligtasan laban sa iba pang mga sakit tulad ng dengue.

Facebook Comments