Mga taga-Kamuning, nakakaranas na ng diskriminasyon kasunod ng isang residente na nagpositibo sa tinatawag na COVID-19 United Kingdom variant

Nakakaranas na ng diskrimasyon ang mga residente sa Barangay Kamuning kasunod ng pagkaanunsyo sa residente doon na nagpositibo sa UK variant ng COVID-19.

Sa pulong balitaan sa Quezon City, sinabi ni Quezon City Mayor Joy Belmonte na tumawag sa kaniya ang kapitan ng barangay upang ipabatid na hindi na pinapapasok ng kanilang mga employer ang ilang mga empleyado na galing sa kanilang barangay.

Dahil dito, nagbabala si Belmonte sa mga employer na posible silang maparusahan sa ilalim ng umiiral na Anti-Discrimination Ordinance.


Resulta ito ng premature na anunsyo ng ilang impormasyon sa edad at partikular na lugar ng residente na may UK variant ng COVID-19 virus.

Umaasa si Mayor Belmonte na huhupa ang panic kapag naipaliwanag na hindi naman lumapag sa barangay ang residente kundi idiniretso ito sa quarantine facility.

Facebook Comments