Mga taga-kolekta sa isang remittance center, nasalisihan

Sampaloc, Maynila – Dalawang lalaking taga-kolekta ng pera sa remittance center ang nasalisihan ng isang babae sa Sampaloc, Maynila.

Sa kuha ng CCTV, makikitang inabot ng mga lalaki ang cellphone sa tindera para makuha ang perang ipinadala pa mula galing Quezon.

Ilang sandali, dumating ang babae at tinabihan nito ang dalawang lalaki at sinabihang umupo muna at kinausap.


Nang isauli ng tauhan ng remittance center ang cellphone ay inabot nito ang babae sa isa sa mga biktima.

Binigay ng may-ari ng tindahan ang 2,000 pesos sa babaeng suspek sa pag-aakalang kasama siya ng mga lalaki.

Binilang pa ng babaeng suspek ang pera sa harap ng mga biktima at kinuha pa nito ang 1,900 pesos ng isa sa mga biktima.

Tangay ng babaeng suspek ang 3,900 pesos.

Hindi ito napansin ng dalawang lalaki habang pati ang mga tauhan ng tindahan, naloko.
Dahil sa insidente, naghigpit na sa remittance center at nanghihingi na ng ID lalo na kapag bagong customer.

Facebook Comments