Mga taga North Cotabato hinimok na maging mapagmatyag kontra IED

Nagpapatuloy ang ginagawang imbestigasyon ng North Cotabato PNP at militar kaugnay sa magkakasunod na pagkakadiskubre ng Improvised Explosive Device sa nakalipas na mga araw.

Unang naitala ang pambubulabog sa bayan ng Mlang, natagpuan ito sa sa National Highway tapat lamang ng isang Sari -Sari Store partikular sa Magsaysay , Poblacion at Waiting Area sa Bagontapay .

Bagaman kapwa agad na nadisrupt, nagdulot pa rin ito ng takot sa mga residente. Lumalabas na kapwa nailagay sa paper bag ang mga natagpuan IED sa Mlang at may mga component ng black powder, pako, mga bubog, bala ng mga m16 at M14 ang mga IED .


Samantala sa Kidapawan City, nagbigay rin ng alarma ang iniwang paper bag sa tapat ng entrance ng Gaisano Grand pasado alas syete kagabi.Sa pagresponde ng EOD nadiskubreng may lamang rifle grenade at MK2 grenade ang bag.

Hinimok naman ng mga otoridad na maging mapagmatyag para mapigilan ang may mga madudugong plano sa lalawigan ng North Cotabato.

Facebook Comments