Mga taga-suporta ng administrasyong Duterte, nagsagawa ng programa sa Mendiola

Magsagawa rin ng kanilang programa ang mga grupong pro-Duterte sa Mendiola, Maynila.

Aabot sa 200 kasapi ng Liga Independencia Pilipinas at League of Parents of the Philippiens ang nagsama-sama ngayong araw para sabayan ang pagkilos ng mga militanteng grupo na nasa Batasan.

Kabilang sa panawagan ng grupong ito ay ang pagpapatalsik sa Makabayan bloc sa Kongreso.


Dahil pinagbabawal ang pagsusunog ng effigy, ini-sprayan na lang nila ng pintura ang mga mukha ng mga mambabatas na kabilang sa Makabayan bloc bilang tampok sa kanilang aktibidad.

Ibinida rin ng grupo ang mga accomplishment ng Duterte administration.

Nakabantay naman ang ilang tauhan ng Manila Police District para masigurong nasusunod ang public health protocols.

Facebook Comments