Monday, February 23, 2026

Mga taga-suporta ni dating Pangulong Duterte, nanawagan sa Korte Suprema

Nagtungo sa Korte Suprema ang ilang tagasuporta ni dating Pangulong Rodrigo Duterte para hikayatin ang mga mahistrado maglabas na ng resolusyon hinggil sa mga nakabinbin petisyon ng dating pangulo.

Hiling nila sa Korte Suprema na agad na pabalikin sa bansa si Pangulong Duterte lalo na’t sa kanilang pananaw ay hindi tama ang ginawang pag-aresto sa kaniya.

Kabilang ang mga nasabing indibidwal sa “Tay, Kami Naman” signature campaign kung saan nag-iipon sila ng pirma para kumbinsihin ang SC na magdesisyon na sa nakabinbing kaso kaugnay ng pag-aresto kay Duterte.

Ang hakbang ay kasunod ng nakatakdang pagsisimula ng confirmation of charges hearing laban sa dating pangulo sa International Criminal Court (ICC) para sa kasong crimes against humanity.

Facebook Comments