Nagsimula na ang public viewing para sa urn ni dating Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III sa Church of the Gesu sa Ateneo De Manila University.
Bago mag-alas 10:00 ay dumating sa Ateneo campus ang urn ng yumaong pangulo.
Pero nagpasya ang pamilya Aquino na hindi na ito bigyan ng arrival honors dahil ayaw umano ni PNoy ng magagarbong okasyon.
Pagkatapos ng misa, pinapasok na ang mga taga-suportang maaga pa lamang ay nakapila na sa labas ng Ateneo campus para mag-alay ng huling pagpupugay kay PNoy.
Huwebes ng gabi, cinremate ang mga labi ni PNoy matapos magsagawa ng maikling burol sa Heritage Park sa Taguig City.
Bukas, araw ng Sabado, ililibing si Aquino sa Manila Memorial Park katabi ng kanyang mga magulang na sina dating Senador Benigno Aquino Jr. at dating Pangulong Corazon Aquino.