Mga Tagasuporta ng CPP-NPA Sumuko

Camp Melchor F dela Cruz, Upi, Gamu, Isabela– Limang tagasuporta ng Communist Party of the Philippines-New Peoples’ Army(CPP-NPA) ang sumuko sa mga militar kahapon ng Pebrero 10, 2018.

Ang limang indibidwal na kilala bilang “militia ng bayan” ay buluntaryong lumapit sa 17 th Infantry Battalion ng 5th Infantry Division at sa lokal na PNP ng Rizal, Cagayan.

Ang pagsuko ay bandang alas tres ng hapon sa Barangay Masi, Rizal, Cagayan matapos ang engkuwentrong nangyari sa lugar bandang alas dose ng tanghali sa kaparehong araw.


Hindi muna isinasapubliko ng militar ang pangalan ng lima para sa usaping pang seguridad.

Ayon sa ipinaabot na impormasyon ni Army Captain Jefferson Somera ng 5th ID Division Public Affairs Office (DPAO), sinamahan ni Barangay Kagawad Chi Palmea ang lima at unang dinala sa PNP na kalaunan ay sinamahan din sa headquarters ng 17th IB sa Barangay Masin, Alcala, Cagayan para sa custodial debriefing.

Ayon kay Lt Col Camillo Saddam, kumander ng 17th IB, ang limang taga suporta ng mga kumunista ay mga magsasaka at magkakamag-anak.

Ang kanila umanong pagsuko ay makapagbibigay sa militar ng mga mahahalagang impormasyon upang makamit ang kapayapaan at kaayusan sa Rizal, Cagayan.

Binigyan pagkilala at pagpupugay naman ni BGen Perfecto M Rimando Jr, ang Commanding General ng 5th Infantry Division ang kanyang mga tauhan dahil sa matagumpay na buluntaryong pagsuko na ito.

Kanya pang hinikayat ang mga natitira pang “militia ng bayan” na tularan ang ginawang hakbang ng lima dahil hindi makakamit mg bayan ang paglago kung tuloy ang pakikipag kutyabahan nila sa mga nagnanais sumira sa gobyerno.

Ayon pa sa 5th ID, isang araw bago ang engkuwentro at pagsuko ay nakadikubre ang tropa ng 17th IB ng isang kampo na puedeng paglagian ng hanggang 100 miyembro ng NPA sa kapareho ding bayan.

Facebook Comments