Mga Taiwanese, arestado sa kasong possession of illegal drugs

Kalibo – Arestado ang tatlong Taiwanese sa bayan ng Kalibo dahil sa kasong possession of illegal drugs sa Greenfield Subdivision.

Inaresto ang mga ito ng Kalibo PNP at APPO Trackers Team sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ni Judge Jimena Abellar-Arbis ng Regional Trial Court 6, Branch 5, Kalibo, Aklan na may petsang Hulyo 11.

Ang mga naaresto ay sina Jhin Hong Chen, 27-anyos; Yu Ting Lien, 35-anyos at Hsiao Chun Huang, 29-anyos.


Sinampahan ang mga ito ng kasong paglabag sa Section 11 ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Ang mga ito ay unang naaresto kasama pa ang 25 na mga Chinese national sa isang drug den sa isla ng Boracay.

Nagtakda ang korte ng tag P200,000 na pyansa para sa kanilang pansamantalang kalayaan.

Facebook Comments