Mga tamad at masusungit at tiwaling empleyado ng pamahalaan maaari nang isumbong ulit direkta sa mga opisyal ng pamahalaan

 

Ilulunsad muli ng Pamahalaan ang programang “Digong 8888 hotline” ipalalabas ang programa sa Peoples Television o sa PTV4 kung saan ay maaaring direktang makapagsusumbong ang publiko sa pamahalaan ukol sa mga empleyado at mga opisyal ng Pamahalaan na umaabuso o hindi nagtatrabaho at iba pang klase ng reklamo.

 

Batay sa impormasyong nakarating sa Media dito sa Malacanang ay maaari ding isumbong ang mga masusungit at tatamadtamad na mga kawani ng gobyerno, maaari ding isumbong ang mga fixers sa lahat ng tanggapan ng Pamahalaan.

 

Nabatid na kada episode ng programa ay isang opisyal ng Pamahalaan ang sasalang para tumanggap ng mga reklamo ng publiko at mga nanunuod.


 

Magsisilbi namang host ng programa si Chief Presidential Legal Counsel at Presidential Spokesman Secretary Salvador Panelo at Assistant Secretary Kris Roman at Trixie Jaafar.

Ayon kay Panelo, layon ng programang ito na magsilbing tulay ng publiko sa gobyerno kung saan ay direktang maisusumbong ang mga hindi kaaya-ayang empleyado ng pamahalaan at mabagal na serbisyo ng ilang ahensiya ng gobyerno.

 

Sisimulan ang Digong 8888 hotline sa July 11 at mapanunuod tuwing huwebes alas-2 hanggang alas-3 ng hapon sa PTV4.

Facebook Comments