Mananatiling bukas araw-araw ang tanggapan ng National Food Authority (NFA) sa panahon na ginugunita ang Semana Santa.
Ayon kay NFA Administrator Judy Carol Dansal, magtutuloy-tuloy ang kanilang paglilingkod na magbibigay ng supply ng bigas sa DSWD at LGUs para sa publiko.
Ipinag-utos na ni Dansal sa lahat ng NFA regional directors at provincial managers na panatilihin din bukas ang kanilang tanggapan at warehouses sa buong Lenten season.
Bukod sa rice issuances, tuloy din ang pagbili ng NFA sa summer harvest ng mga farmers at cooperatives at magpatupad ng full-blast milling operations ng palay stocks.
Sa unang quarter ng 2020, nakapagbenta na ang NFA ng 3.644 million bags ng bigas na mas mataas ng 201 percent sa 1,814 million bags distribution target nito.
Mahigit sa 900,000 bags ng bigas ang naibenta na noong nakalipas na buwan sa mga LGUs at DSWD matapos ideklara ang Enhance Community Quarantine sa buong Luzon at ilang areas sa Visayas at Mindanao.