Mga Tarpaulin na Naglalaman ng Pakiusap ni Gob. Mamba, Ipinakalat

Cauayan City, Isabela- Ipinakalat na rin sa iba’t-ibang pasilidad ng Pamahalaang Panlalawigan sa buong probinsya ng Cagayan ang mga tarpaulin na naglalaman ng pakiusap ni Governor Manuel Mamba kaugnay sa pagpapataya ng jueteng, small town lottery (STL), o Peryahan ng bayan.

Ito ay isang hakbang ng provincial government upang makaiwas sa nakamamatay na COVID-19 na sakit at mapigilan ang posibleng pagkalat nito dahil maaari na ang mga kobrador ay carrier na nagpapakalat ng virus.

Nakasaad sa mga ipinaskil na tarpaulin ang mensahe ng Gobernador na “PAKIUSAP. NO TO JUETENG (STL/PERYAHAN NG BAYAN). Huwag po tumaya sa Jueteng (STL/PERYAHAN NG BAYAN)) dahil illegal po ito. Huwag na huwag tumawag dahil ang mga kobrador (collector) ng jueteng ay puwedeng sila ang magdadala ng COVID sa inyo o sa bahay niyo. ANG NAKIKIUSAP, GOB. MAMBA.”


Ang mga tarpaulin ay ipinaskil sa ilang malalaki at kilalang gusali sa probinsya, sa mga pasyalan, ospital maging sa harapan ng pasilidad ng Pamahalaang Panlalawigan.

Nilinaw pa rin ni Gob. Mamba na illegal pa rin ang operasyon ng jueteng kabilang na ang STL at Peryahan ng Bayan dahil wala itong permiso mula sa Philippine Charity Sweepstakes Office o PCSO.

Facebook Comments