Mga tarpaulin ng ilang gasolinahan na nag-aanunsyo ng dagdag na excise tax sa petrolyo, inireklamo

Inirereklamo ng consumer group sa mga nakapaskil na tarpaulin sa ilang gasolinahan na nag-aabiso ng dagdag sa excise tax.

Nabatid na ₱1.68 sa kada litro ng diesel, at ₱1.12 sa kada litro ng kerosene at gasolina ang madagdag dahil sa ipinapatupad na excise tax.

Ayon kay Laban Konsyumer President, Atty. Vic Dimagiba – karamihan sa mga tarpaulin ay hindi nakalagay ang aktwal na halaga ng taas presyo dahil sa dagdag-buwis.


Iginiit naman ni Department of Energy (DOE) Undersecretary Felix William Fuentebella – dapat nakalagay sa tarpaulin ang petsa at halaga ng dagdag presyo.

Aniya, pwedeng maparusahan ang mga gasolinahang nagpaskil lang ng ‘generic’ na announcement.

Sa ngayon, halos 1,000 gasolinahan na ang nagpatupad ng mas mataas na excise tax sa petrolyo.

Facebook Comments