Mga tatakbong presidente sa 2022, hinamon na gawing plataporma ang countryside development

Hinamon ni Taguig-Pateros Rep. Alan Peter Cayetano ang mga presidential bets na isama sa kanilang mga plataporma ang pagpapaunlad sa mga probinsya at malalayong lugar.

Umaasa ang kongresista na gagawing bahagi ng plataporma ng mga Presidentiables ang “countryside development” nang sa gayon ay mabigyang kapangyarihan ang mga probinsya lalo na ang mga may maliliit o wala talagang imprastraktura at mga negosyo.

Umapela rin ang mambabatas sa susunod na administrasyon na maglatag ng nationwide program at roadmap para maipatupad ang pagpapaunlad sa mga probinsya.


Aniya, hindi lamang pantay na distribusyon ng pondo sa mga probinsya ang kailangan kundi pati ang construction kasama ang planning at bidding stages at ito ay isasagawa ng local government upang maiwasan ang korapsyon.

Naniniwala din ang kongresista na hindi kailangan ng charter change para maitulak ang countryside development dahil maaari namang ipatupad ang devolution at decentralization ng mga pondo at mga proyekto sa lahat ng panig ng bansa.

Facebook Comments