Mga tauhan MPD, nagsimula nang magsanay para sa SONA ni PBBM

Sinimulan na ng Manila Police District (MPD) ang pagsasanay sa kanilang civil disturbance management unit na ide-deploy State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Tiniyak naman MPD na bagama’t bahagi ng training ay ang pisikal na pagbabarikada, itinuturo din sa mga pulis ang paggalang sa karapatang pantao.

Tiniyak din ng MPD na pananatalihin ng mga pulis ang kapayapaan sa kanilang pagbabantay sa SONA.


Bukod sa SONA, pinaghahandaan din ng MPD ang 4th of July o ang pagdiriwang ng Independence Day ng Amerika kung saan inaasahan ang mga demonstrasyon sa US Embassy sa Roxas Boulevard sa Maynila.

Facebook Comments