Patuloy ang pag-iikot ng mga tauhan ng Bureau of Fire Protection sa mga residential areas upang matiyak na sumusunod sila sa regulasyon sa mga paputok.
Ayon kay BFP Spokesperson Fire Superintendent Annalee Carbajal-Atienza, nagsimula ang kanilang “Oplan Ligtas na Pamayanan” noong Miyerkules kung saan kabilang dito ang regular na pag-iikot.
Sinabi ni Atienza na sumusunod naman ang lahat sa mga regulasyon ang mga tindahang nagbebenta ng mga legal na paputok.
Noong nakaraang taon, walang insidente ng sunog na naitala ang BFP dahil sa firecrackers dahil sa mahigpit na pagpapatupad ng ordinansa ng Local Government Units.
Facebook Comments