Mga tauhan ng Immigration, pinagbabawalan nang mag-facilitate at mag-escort ng mga pasahero sa NAIA

Pinagbabawalan na ngayon ang mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) na mag-istambay, mag-facilitate at mag-escort sa mga paparating at papa-alis na pasahero sa NAIA terminals.

Ayon kay BI Port Operations Division (POD) Chief Grifton Medina, mahaharap sa disciplinary sanctions at administrative cases ang sinomang tauhan ng immigration na lalabag sa direktiba.

Pinagbabawalan  na rin ang Immigration personnel na tumambay sa NAIA immigration areas na hindi sakop ng kanilang tour of duty o terminal assignment.


Off-limits na rin ang non-Immigration personnel sa NAIA Immigration areas.

Nilinaw naman  ni Medina na ang nasabing kautusan ay hindi na bago at 8 taon na itong pinaiiral.

Facebook Comments