Agad na Sinibak sa pwesto ang mga tauhan ng LTO sa Aritao matapos ipag utos ni pangulong Rodrigo Duterte.
Ito ay matapos isumbong ng ilang mga Rice Traders dito sa lambak ng Cagayan ang umano’y pangongotong ng mga tauhan ng DPWH at LTO kay pangulong Rodrigo Duterte sa ginanap na Pulong ng mga Rice traders sa palasyo ng Malacaṅang.
Ayon sa sumbong ng mga traders kay pangulong Duterte, kailangan umano nilang idaan sa Truck scale ang lahat ng mga malalaking sasakyan na naglalaman ng ibat ibang Agricultural Products na galing ditto sa lambak ng Cagayan na nakapwesto sa barangay Kalitlitan, Aritao, Nueva Viscaya upang masuri ang mga ito kung overload na nagsasanhi ng kanilang pagka antala sa kanilang byahe kayat napipilitan ang kanilang mga drivers na magbigay ng limang daan hanggang isang libong piso sa mga tauhan na nakabantay sa nasabing kiluhan.
Nairita at nagalit ang Pangulo matapos malaman ang kanilang Gawain kayat agad nitong tinawagan si Secretary Rolando Tugade ng kagawaran ng transportasyon at ipinag utos na dalhin mismo ang mga inirereklamong tauhan sa malakanyang at ang pangulo mismo ang sasampal sa mga ito.
Dahil dito ay agad na umaksyon ang mga tauhan ni sec. Tugade dito sa lambak ng Cagayan at tinanggal na sa pwesto ang mga LTO Aritao sa pangunguna ng tumatayong team leader na si Allan Flores Maging ang mga tauhan ng DPWH sa nasabing lugar na binigyan ng deputization paper mula sa LTO upang ipatupad ang RA8749 o Road users tax law.
Nagsasagawa na ng malalimang pagsisiyasat ang dalawang ahensya ng pamahalaan dito sa lambak ng Cagayan kaugnay sa reklamong ito.