Mga tauhan ng LTO, sumailalim sa training

Mas gagawing simple at madali na ng Land Transportation Office ang mga proseso at pamamaraan sa law enforcement at adjudication.

Ayon kay LTO Executive Director Romeo Vera Cruz, Magtatapos ngayong araw ang dalawang araw na Seminar-Workshop na naglalayong makabuo ng isahan, magkaka-anyo, sabay, at magkakaugnay na ipapatupad na mga plano, gawain at program para sa law enforcement operation at pag-resolba sa mga kaso sa paglabas sa mga batas at regulasyong pang-trapiko

Maglalabas ng blueprint ang LTO upang maging synergized ang mga plano, gawain at programa ng LTO law enforcement at traffic adjudication sa buong bansa.


Ito ay alinsunod na rin sa utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na gawing mas mabilis ang pagbibigay-serbisyo at sa maayos na pagpapatupad sa batas at regulasyong pang-trapiko.

Ayon pa kay Cruz, mawawalang-saysay ang mga reporma sa LTO, lalo na ang mga sinimulang technological advancements, kung hindi taglay ng mga LTO personnel ang kaukulang pag-uugali at kasanayan.

Maglalabas din ang LTO Traffic Safety Division ng Central Office ng modyul upang maisagawa ang parehong seminar-workshop sa ibang Rehiyon, nang mapalaganap ang mga kaalaman at direktiba sa lahat ng LTO units sa buong bansa.

Facebook Comments