Ikinasa ng pamunuan ng Manila Police District (MPD) ang surprise random drug test sa mga tauhan ng Jose Abad Santos Police Station o MPD Station 7.
Nasa 204 na mga pulis ang isinailalim sa drug test kabilang na dito ang mga non-uniformed personnel (NUP).
Mismong si MPD Director Police Brigadier General Leo Francisco ang bumisita sa pagsasagawa ng drug test upang masiguro na lahat ng tauhan ng Jose Abad Santos Police Station ay sasalang dito.
Ayon kay Gen. Francisco, ang nasabing aktibidad ay bahagi ng cleansing process sa hanay ng mga pulis.
Nais ding masiguro ng opisyal na walang gumagamit ng iligal na droga sa hanay ng MPD.
Makukuha ang resulta ng lahat ng sumalang sa drug test sa loob ng tatlong araw at ang sinumang magpositibo sa droga ay sasalang sa imbestigasyon at kakasuhan kung saan ay maaari itong matanggal sa serbisyo.