Dating piggery owners na apektado ng ASF sa Barangay Payatas, isinunod na ring binigyan ng aqua culture livelihood project ng BFAR

78

Matapos ang Barangay Bagong Silangan, ang Barangay Payatas naman ang isinunod ng BFAR na pagkalooban ng aqua culture livelihood projects.

Abot sa animnapung magba-baboy ang ginawang aquaculture ang dati nilang piggery.


Mahigit tatlong libong semilya ng tilapia ang pinakawalan ng BFAR sa ng mga mga dating kural ng baboy na isinaayos upang maging maliliit na fish pond.

Kasamang ipinamigay ng BFAR ang mga filtration units at feeds.

Facebook Comments