Mga tauhan ng PDEA, sumailalim sa surprise drug test

Sumailalim sa supresang mandatory drug test ang mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Pinangunahan ito ni PDEA Director General Aaron Aquino at pinangasiwaan naman ito ng PDEA Laboratory Service Director Derrick Carreon.

Giit ni Aquino, bilang ang kanyang ahensya ang pangunahing sumusugpo sa ipinagbabawal at ilegal na droga, kailangan sa kanila mismo magkaroon ng drug testing.


Kaya naman regular nang magsasagawa ng drug testing sa mga opisyal, ahente at personnel ng ahensya.

Binigyang diin pa ni Aquino na responsibilidad nilang ipagkita sa publiko na ang PDEA ay drug free at dapat ituring na huwarang ahensya ng pamahalaan.

Facebook Comments