PH Dragon Boat team nakasungkit ng 2 bronze medals sa IDBF World Championship

41

Dalawang medalya ang iuuwi ng Philippine Dragon Boat team sa katatapos lamang na 14th International Dragon Boat Federation World Championship na ginanap sa Thailand.

Nakuha nila ang ikatlong pwesto matapos magtala ang sampung minuto at labing-siyam na segundo kasunod ng Canada at USA.


Samantala, bronze din ang nakamit ng Philippine Army Dragon Boat team sa open category ng kaparehong event sa oras na 9 minutes at 40 seconds sa likod ng Ukraine at host na Thailand.

Tatagal ang nasabing kompetisyon hanggang August 25.

Facebook Comments

From Advertisers