Puspusan ang ginagawang pagtulong ng Philippine Army sa mga apektado ng pagbaha at pagguho ng lupa sa Banaue, Ifugao.
Ang mga tauhan at reservist ng 1404th Community Defense Center sa ilalim ng 1404th Ready Reserve Infantry Battalion ay aktibong nagsasagawa ng road clearing operations sa mga daan na tinamaan ng landslide noong nakaraang linggo.
Habang ang mga tauhan naman ng 54th Infantry Battalion katuwang ang mga reservist ay namamahagi ng food packs sa mga pamilyang apektado sa Barangay Tam-an.
Tumutulong din ang mga tropa ng Philippine Army sa pamamahagi ng tulong sa mga nasalanta sa Barangay Poblacion.
Sa report ng National Disaster Risk Reduction Management Council, mahigit sa 500 pamilya ang apektado king saan ilang mga daan ang sarado dahil na rin sa pagguho ng lupa at pagbaha kamakailan sa Banaue, Ifugao dahil sa walang tigil na pag-ulan.