Bilang ng mga namatay sa heat wave sa Spain at Portugal, pumalo na sa mahigit 1,700

215

Pumalo na sa kabuuang 1,741 ang bilang ng mga nasawi sa Spain at Portugal dahil sa heat wave.

Batay sa inilabas na datos ng Carlos 3 Institute Public Health Institute sa Spain, sumipa na sa 678 ang mga namatay sa kanilang bansa mula July 10 hanggang 17.

Habang 1,063 naman ang naitalang nasawi sa Portugal dahil sa init ng panahon mula July 7 hanggang 18.


Noong Martes, nakapagtala ang United Kingdom ng 40 degree celsius na init ng panahon na pinakamataas sa buong Europa.

Samantala, nararanasan na rin ang init ng panahon sa France at UK na nagbabanta ng posibleng forest fire.

Facebook Comments