Daragdagan ng Joint Task Force COVID-19 shield ang kanilang mga tauhan sa mga hotel na tinutuluyan ng mga umuuwing Overseas Filipino Workers (OFW).
Kasunod ito ng pagtakas ng ilang mga OFW at umuuwi sa kanilang mga probinsya habang may iba naman ang nakalalabas ng hotel nang walang pahintulot at lumalabag sa health protocol.
Ayon kay PNP Deputy Chief for Operations at Joint Task Force COVID-19 Shield Commander P/Lt. Ephraim Dickson, nagpasaklolo na sakanila ang Philippine Coast Guard (PCG) sa pagbabantay sa mahigit 200 mga hotel dahil sa mga pasaway na returning OFW.
Batay sa Inter-Agency Task Force (IATF), kinakailangang sumailalim sa 10 araw na quarantine ang mga umuuwing OFW sa mga accredited hotels sa bansa habang naghihintay ng kanilang swab test result
Ito ay bilang pag-iingat na rin sa pagkalat ng COVID-19 lalo pa’t may mga bagong variant na ang nakapasok sa bansa.